PINAS PALABAN SA 30TH SEAG

30th SEA GAMES-2

SADYANG masakit na tanggapin ang mga report na hindi aahon sa kahit ikatlong puwesto man lamang ang ating bansa sa 30th Southeast Asian Games,  na tayo pa naman ang punong abala.

Nakatatakot ang report ng ilang local media natin na sa pakiwari ko’y hindi dapat bigyan ng anumang pakahulugan at dapat ay maging pulis o sundalo tayo para sa ating ikalalakas lalo ng ating mga atleta na sasabak sa SEA Games. Inuulit ko po,  tayo ang host contry,  ang PILIPINAS.

Nagpalabas na ng report ang ilang matataas nating sports officials ukol sa kalalabasan ng resulta ng ating ikaapat na pagsasagawa ng biennial meet ( from 1981,  1991,  2005 at ngayon pong 2019) at ayon po sa nakalap nating report sa Philippine Sports Commission (PSC) ay may tsansa na tayong makaakyat mula sa 7th place tungo sa 1-3 posisyon sa taong ito.

Kung tama ang prediksiyon nina PSC Chairman Butch Ramirez na 200 plus,  ang grupo ng ilang bigating NSAs with reports  from Chair Butch din na 145,  ang inyong abang lingkod ay nasa 167 golds (palakasan ng loob), siguradong makukuha natin ang inaasam ng lahat na maging overall champion sa 11 bansang kasapi ng SEAG.

Ipagdarasal natin ang laban ng ating Philippine Team na pawang gigil na upang makapagbigay ng karangalan sa bansa.

Napakasaya kasi patuloy nating naisasakatuparan ang biennial meet na mismong ang Pilipinas ang punong abala, at may mga magagaling na mandirigmang atleta tayong lumalaban sa anumang klase ng bakbakan.

Ang nakalulungkot lang, ilang araw na lamang at magsisimula na ang kada dalawang taong paligsahan pero may mga samu’t saring aberyang nangyayari pa rin pala sa mga itinalagang officials at staff na mangangalaga sa 30th SEAG.

Susme kayong mga nasa SEAG group, nakasusuka na ang mga pinagggagawa nyo. Yun pong mga nasa staff, sana ay mahiya at umayos na kayo!

Eniwey,  ako po ay lubusang sumasaludo sa ating mga atleta,  kay Chair Butch at sa lahat ng mga opisyal at kawani ng Philippine Sports. MABUHAY PO KAYONG LAHAT!

Please follow and like us:
Read More