LALAKI HULI SA PUSLIT NA .22 KALIBRE SA NAIA 

naia3

(NI FROILAN MORALLOS)

NASAKOTE ng mga kinatawan ng Philippine National Police – Aviation Security Group PNP-AVSEGROUP)  ang isang papaalis na pasahero dahil sa tangkang pagpuslit nito ng isang .22 caliber pistol palabas ng bansa.

Kinilala ng Aviation police ang naturang pasahero na si Leandro Gatdula.

Naharang ito ng mga tauhan ng Office for Transportation Security (OTS), personnel sa security check counter sa departure area , bago siya makasakay sa kanyang Incheon, South Korea Asiana Airlines flight.

Ayon sa pahayag ng X-ray scanning operator na tauhan ng Office for Transportation Security (OTS), mayroon siyang napansin na imahe ng baril sa loob ng bagahe nitong suspek.

Agad niya ipinarating sa opisina ng Aviation police at sa ikinasang interception operation ng mga ito, bumungad sa kanila ang anim na piraso ng bala, magazine at baril sa loob ng bagahe ni Gatdula .

Si Gatdula ay nahaharap sa kasong kriminal dahil sa paglabag ng R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act , at sa ngayon nasa kustodiya itong  suspek sa aviation police para sa karagdagan na imbestigasyon .

 

 

 

Please follow and like us:
Read More