10-ANYOS PISAK SA TRAK

accident

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

PATAY ang isang 10-anyos na nene matapos mabundol at magulungan ng tractor head, Miyerkoles ng hapon sa Navotas City.

Agad namatay ang biktima na si Ma. Isabel Advincula, Grade 8, ng 112 R. Domingo St., Brgy. Tangos, matapos magulungan ng tractor sa kahabaan ng R-10 Road sa Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) dakong alas-5:30 ng hapon.

Ayon sa pulisya, patawid ang biktima nang masagi ng humahagibis na Isuzu tractor head na minamaneho ni Martin Fale, 40, ng Area 4, Sitio Payong, Old Balara, Quezon City.

Dala ng pagkasalpok natumba ang biktima at nagulungan ng panlikod na gulong ng tractor head na naging dahilan ng dagli niyang kamatayan.

Nasakote si Fale ng mga rumespondeng pulis at kinasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide sa Navotas City Prosecutor’s Office.

Please follow and like us:
Read More