YULO SASABAK AGAD SA UNANG GINTO

(NI ANN ENCARNACION)

MANGUNGUNA si Tokyo-Olympics bound Carlos Edriel Yulo sa mga batang miyembro ng  Philippine Skating Union (PSU) sa kampanya ng bansa na maghakot ng ginto, isang araw bago ang pormal na pagbubukas ng 30th Southeast Asian Games sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan sa Nobyembre 30.

Agad sisimulan ang dalawang qualifying event sa figure skating Senior Ladies-Short Program na susundan ng Senior Men-Short Program sa Nobyembre 29, sa SM Megamall sa Mandaluyong City.

Unang paglalabanan sa Short Program para sa mga uusad sa susunod na kategorya na free skate, bago ang final round kung saan naghihintay ang gintong medalya sa Disyembre 1.

Inaasahang mangunguna sa Senior Men-Short Program ang 2017 SEA Games silver medalist na si Michael Martinez.

Sa Disyembre 1 naman magsisimula ang kampanya ni artistic gymnastics world champion Carlos Edriel “Caloy” Yulo.

Hindi na ibinigay kay Yulo ang dapat sanang responsibilidad na maging torch bearer ng bansa dahil agad siyang sasabak alas-2 ng hapon sa unang gymnastics event na Men’s Artistic Gymnastics (MAG) Individual All-Around Qualification.

Agad igagawad ang gintong medalya sa MAG Individual All-Around winner sa ganap na alas-4 ng hapon.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment