UNANG GOLD SA PHL BOXERS NASUNGKIT NI PAALAM

TINIYAK ni Carlo Paalam na hindi na makakawala sa kanyang mga kamay ang gintong medalya sa 30th Southeast Asian Games nang magwagi via unanimous decision kontra  Langu Kornelis ng Indonesia sa men’s lightweight division kahapon sa PICC Forum.

Ito ang unang gold medal ng Pinoy boxer sa biennial meet, bagama’t nakapaguwi siya ng bronze medal mula sa 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

Noong 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia, si Paalam ang tanging Filipino boxer na hindi nakapaguwi ng medalya kaya’t napakatamis para sa kanya ang naturang panalo.

“Sobrang saya siyempre, nadaya ako dati sa Malaysia, so salamat sa Panginoon talaga kasi binigay niya ang best ko sa taas ng ring,” ayon kay Paalam.

 

Related posts

Leave a Comment