UAAP SEASON 82 MEN’S BASKETBALL: PERFECT ATENEO

NANATILING walang talo ang Ateneo na  tinapos ang kampanya ng University of the East sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament  makaraang ilampaso ito, 84-50, Linggo sa Ynares Center, Antipolo.

Dahil sa panalo, nag-imprub ang kartada ng Ateneo sa 12-0 at nangangailangan na lang ng dalawang panalo para awtomatikong makapasok sa finals.

Bumida sa Blue Eagles sina Isaac Go 13 puntos, Ange Kouame 11 points, eight rebounds at three blocks, at Thirdy Ravena 11 points, seven boards at two assists.

Sa simula lang lumamang ang Red Warriors, 4-0, at pagkaraan nito ay rumatsada na ng puntos ang Blue Eagles at lumamang ng 17 puntos, 40-23, sa pagtatapos ng first half.

Sa halip na magrelaks pagpasok ng third quarter, lalo pang kumamada ang Ateneo at pinalaki ang abante sa 28 para sa 53-25 iskor.

Walang awang pinalobo pa ng Blue Eagles ang kanilang lamang sa 36 points, 82-46, sa three-point play ni Go, 1:03 minuto na lang ang nalalabi sa laro.

Bumagsak sa 3-9 panalo-talong record ang UE na pinangunahan ni Alex Diakhite 15 points, 15 rebounds at four assists, habang nagdagdag si Rey Suerte ng 10 points, four boards at two dimes.

Related posts

Leave a Comment