UAAP SEASON 81 FINALS: KATIPUNAN KAMPEON

champ12

HINDI “kami naman” kundi “kami ulit” ang kinalabasan ng decider game sa pagitan ng UST at Ateneo makaraang manalo ang Lady Eagles 25-17, 25-22, 25-22, sa UAAP Season 81 Finals kahapon sa MOA Arena.

Sa simula pa lang ay naging agresibo na ang Ateneo sa pangunguna ng team captain nitong si Bea de Leon at mga kapwa graduating Lady Eagles na sina Maddie Madayag at Kat Tolentino nang kunin ang unang set, 25-17.

Pilit na bumawi ang Tigresses sa pamamagitan ng tandem nina Season 81 MVP Sisi Rondina at Rookie of the Year Eya Laure pero nagpamalas ng mas balanseng laro ang Lady Eagles na muling inangkin ang second set.

Ilang beses na nagtangkang humabol ng Tigresses sa pangatlo at huling set pero nanaig pa rin ang Lady Eagles at tuluyang sinungkit ang kampeonato.

Matatandaan na kinuha ng UST ang Game 1 nang talunin ang Ateneo sa tatlong sets din 25-17, 25-16, 25-20.

Inakala ng marami na tatapusin na ng Tigresses ang laban nooong Game 2 (Mayo 15) pero sa malas ay nagkaroon ng  left ankle sprain ang kanilang rookie sensation na si Laure, na sinamantala ng Lady Eagles na nakatakas ng panalo 24-26, 25-14, 21-25, 15-25, at nakapwersa ng decider game.

Malaking panghihinayang ang nadama ng garaduating UST team captain na si Rondina matapos ang kanilang pagkatalo sa Game 2.

“Akala ko huli na, hindi pala. Na-extend pa,” ani Rondina na nangakong gagawin ang lahat ng kanyang makakaya upang maibalik sa Tigresses ang championship crown.

Huling nagchampion ang Tigresses noong Season 72 sa panahon nina Rhea Dimaculangan, Angge Tabaquero, at Aiza Maizo na tinalo ang La Salle Lady Spikers.

Huli namang nagkampeon ang Lady Eagles noong Season 77 kaya’t masayang-masaya sila na nabawi ang korona ngayong Season 81.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment