UAAP SEASON 81 CHAMPIONSHIP: KATIPUNAN  O ESPANA?

volleyball12

(PHOTO BY MJ ROMERO)

WALA nang bukas para sa UST Lady Tigresses at Ateneo Lady Eagles na maghaharap sa decider game ngayon sa MOA Arena.

Inakala ng marami na tatapusin na ng Tigresses ang laban noong Miyerkoles makaraang ilampaso sa tatlong sets ang Lady Eagles sa Game 1 ng kanilang best-of-three finals series. Pero sa malas ay nagkaroon ng  left ankle sprain ang kanilang rookie sensation at UAAP Season 81 women’s volleyball Rookie of the Year na si Eya Laure, na sinamantala ng Lady Eagles na nakatakas ng panalo 24-26, 25-14, 21-25, 15-25, at nakapwersa ng decider game.

Malaking panghihinayang naman ang nadama ni UST team captain at Season 81 Most Valuable Player Sisi Rondina matapos ang kanilang pagkatalo sa Game 2.

“Akala ko huli na, hindi pala. Na-extend pa,” ani Rondina na kumpiyansa pa rin lalo’t hindi grabe ang pinsala ng teammate na si Laure.

“Thankful pa rin kami na hindi ganoon kalala ‘yung nangyari kay Eya. Alam kong babawi kami. It’s just a bad game,” dagdag na sabi niya matapos ang panalo ng Ateneo.

Nangako rin si Rondina, nasa huling taon na sa UST, na gagawin ang lahat ng kanyang makakaya sa Game 3 upang maibalik sa Tigresses ang championship crown.

Huling nagchampion ang Tigresses noong Season 72 sa panahon nina Rhea Dimaculangan, Angge Tabaquero, at Aiza Maizo na tinalo ang La Salle Lady Spikers.

Samantala gaya ng UST, target din ng Lady Eagles na makuha ang korona na huli nilang nahawakan noong Season 77.

Gaya ni Rondina, nasa huling taon na rin sa Ateneo ni team captain Bea de Leon kaya’t gusto niyang maging masaya ang pag-exit niya sa Lady Eagles.

“Well, it’s our last. Actually our last this time,” ani  de Leon. “So kami, our mindset talaga, whatever happens, we keep praying na we enjoy every moment.”

“Whatever happens, whatever is next for us, we made it this far. That’s really big for us, so talaga for us, we’re going to Game 3 with grateful hearts, with happy hearts, with love for each other, and love for the game,” sabi pa nito matapos ang Game 2 win ng Ateneo.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment