UAAP MEN’S BADMINTON TITLES; HINAKOT NG NU

(PHOTO BY MJ ROMERO)

PINAKYAW ng National University ang UAAP men’s badminton titles matapos pasukuin ang Ateneo, 3-1, kahapon sa PNP Sports Center Badminton Courts.

Maliban sa nadepensahan ang kanilang titulo sa ikaanim na sunod na pagkakataon, kinuha rin ng Bulldogs ang dalawa pang importanteng titulo sa torneo–Most Valuable Player at Rookie of the Year.

Tinalo ng tandem nina rookie Solomon Padiz Jr at graduating senior Keeyan Gabuelo ang NU sina Keoni Asuncion at Arthur Salvado ng Ateneo para mapanatili ang korona sa UAAP men’s badminton.

Dahil sa impresibong laro, tinanghal na Most Valuable Player si Gabuelo at Rookie of the Year naman si Padiz.

Ang naturang panalo ang ika-51 ng Bulldogs simula pa noong UAAP Season 77.

Napantayan din ng NU ang Ateneo para sa “most championships” (6) sa UAAP men’s badminton tournament.

Related posts

Leave a Comment