TWICE-TO-BEAT TARGET NG KINGS

KINGS-2

(NI ANN ENCARNACION)

UMAASA ang Barangay Ginebra na makakasama nila si Greg Slaughter sa pagsabak ng Gin Kings ngayong gabi kontra sa mapanganib na Columbian Dyip sa huling laro nila sa pagtatapos ng elimination round ng 2019 PBA Governor’s Cup sa Smart Araneta Center.

Ngunit bago ang salpukan sa pagitan ng Gin Kings at Dyip sa alas-7 ng gabi, una munang magsasagupa ang kapwa eliminated nang Phoenix Pulse Fuelmasters at Blackwater Elite sa alas-4:30 ng hapon.

Kapwa nasa hulihan at may 2-8 panalo-talong kartada ang Fuelmasters at Elite na parehong nasarhan na ng pintuan papasok sa susunod na round ng Governor’s Cup.

Importante sa Gin Kings, na bitbit ang kabuuang 6-3 kartada, na masungkit ang ikalawang sunod na panalo para magpatatag ang kapit sa ikaapat na puwesto at makakuha ng twice-to-beat advantage.

Pilit naman iiwas ang Dyip na mahulog sa posibleng three-way playoff para sa ikapito hanggang ikawalong puwesto.

Tangan ng Dyip ang kabuuang 4-6 panalo-talong record kasalo ang Alaska Aces at NorthPort Batang Pier na kaagaw nito sa huling dalawang puwesto patungo sa quarterfinal round.

Samantala, hindi nakasama ng Gin Kings si Slaughter sa nakaraang laban kontra TnT KaTropa matapos na magtamo ng bali sa kanyang hinlalaki.

“We are still unsure how long Greg will be out,” sabi ni Gin Kings coach Tim Cone. “He dislocated his thumb.

“We are hoping it’s a few days but we can’t really tell. We didn’t see any ligament damage in the MRI or any broken bones but there was a clear dislocation. You could see his finger was dangling when he got hit during practice,”  dagdag nito.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment