SALUDAR BIGO SA PUERTO RICO

(PHOTO BY DANNY BACOLOD)

HINDI gaya ni John Riel Casimero na na-retain ang kanyang WBO interim bantamweight belt via 10th round knockout win kay Mexican Cesar Ramirez, nabigo si Filipino Vic Saludar na mapanatili ang kanyang WBO world minimumweight crown matapos ang 12-round decision loss sa hometown fighter na si Wilfredo Mendez ng Puerto Rico.

Ginanap ang Saludar-Mendez matchup sa Puerto Rico Convention Center sa San Juan kung saan umiskor ang tatlong hurado ng 117-110, 115-112 at 116-111, lahat pabor sa Puerto Rican fighter.

Ang panalo ng 22-anyos na si Mendez ay nagbigay ng panibagong pagasa sa mga boksingero sa Puerto Rico, na walang natirang world title holder simula nang matalo si Emmanuel Rodriguez sa kanyang IBF bantamweight fight sa Glasgow, Scotland noong May.

Nag-imprub ang record ng bagong world title holder na si Mendez sa 14-1, 5 dito ay sa pamamagitan ng knockouts.

Samantalang ang 28-anyos na si  Saludar ay may 19-4, 10 via stoppage.

Dahil sa pagkatalo ni Saludar,  apat na lang ang natirang Pinoy boxers na titleholders; WBO interim bantamweight belt holder John Riel Casimero, WBA bantamweight champion Nonito Donaire Jr., IBF superflyweight kingpin Jerwin Ancajas at boxing sensation Manny Pacquiao na kasalukuyang WBA welterweight champ.

Nitong Sabado ay matagumpay na nadensahan ni Casimero ang kanyang WBO interim world bantamweight title matapos i-knockout si Ramirez sa 10th round ng kanilang laban sa San Andres Sports Complex, Manila.

Unang pinabagsak ng 30-anyos na si Casimero ang 31-anyos na si Ramirez sa third round. Nasundan pa ito sa fifth, na ayon sa Mexican ay nawalan lang siya ng balanse.

Pagdating ng 7th round ay muling pinatumba ng Pinoy ang Mexican at panghuli ay sa 10th round kung saan tuluyang hininto ng referee ang laban.

Sa kasalukuyan ay may 28-4 win-loss card, 19 sa pamamagitan ng knockout si Casimero, habang si Ramirez ay may 18-4, 11 by stoppage.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment