PVL OPEN CONFERENCE: BANKO, BANGKAROTE SA AIR FORCE

(NI LOUIS AQUINO)

MAGAAN na tinalo ng Air Force ang BanKo, 26-24, 25-8, 25-21, sa Premier Volleyball League Open Conference, Linggo sa Arena, San Juan.

“Tabla na, babawi kami five-five pero hindi kami hihinto, dire-diretso pa rin kami,” ani Lady Jet Spikers coach Jasper Jimenez. “Padayon lang, tuluy-tuloy lang. Ibig sabihin ng padayon, Air Force padayon, dahil ‘yung commanding general namin is bisaya, ibig sabihin ng padayon is tuluy-tuloy lang,” sabi nito.

Muntikan makuha ng Perlas Spikers ang opening set, 24-22, ngunit hindi pumayag ang Air Force na pumalo ng apat na magkakasunod na puntos upang agawin ang unang set.

Pagdating ng second set ay binulaga ng Lady Jet Spikers ang kalaban sa pagkamada ng 8-1 kalamangan at walang awang tinapos ang set sa 25-8.

Pagdating ng third set ay hindi na binitiwan ng Air Force ang momentum at tuluyang binangkarote ang Banko.

“Actually napag-aralan namin [ang BanKo]. Kasi noong natalo kami, mabagal sila, mas mabagal kami. So ngayon iniba namin ang game plan, binilisan namin. Naging effective naman,” ani Jimenez.

Dahil sa pagkatalo ay bumaba ng bahagya ang Banko sa 6-4 ka-tie ang Pacific Town Army sa No. 3 spot.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment