PVL COLLEGIATE PLAYER OF THE WEEK: ADAMSON’S TRISHA GENESIS

HINIRANG na Sports Vision PVL Collegiate Conference Player of the Week si Trisha Genesis ng Adamson University matapos ihatid ang Lady Falcons sa semifinals ng Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Collegiate Conference.

Nakuha ng Adamson ang napakaimportanteng ikaapat na panalo kontra Ateneo de Manila Universtiy, 14-25, 25-21, 25-15, 25-21, noong Linggo para makaabante sa PVL Season 3 semifinals.

Kumamada ang tubong Sta. Rosa, Laguna ng game-high 19 points kabilang ang 12 attacks, anim na service aces at siyam na excellent receptions sa naturang panalo kontra Ateneo.

“Ang saya po kasi last year nga po kahit anong laban, hindi kami nananalo [against Ateneo]. So ngayong year po talagang pukpok kung pukpok, laban kung laban. Tanggalin po sa isip na talo noong nakaraan kasi ang mahalaga po ay ngayon,” ani Genesis.

Tinalo niya ang teammate na si Louie Romero, University of Santo Tomas’ Eya Laure, De La Salle-College of St. Benilde’s Klarisa Abriam, San Beda University’s Nieza Viray, at San Sebastian College’s Reyann Cañete para sa weekly award mula sa mga reporter sa print at online na kumokober sa liga.

 

Related posts

Leave a Comment