PONDO NAUBOS; 2019 ASEAN PARAGAMES INIATRAS

(NI ANN ENCARNACION)

NAUBOS ang pondo sa 30th Southeast Asian Games kaya’t imbes na Enero ay sa Marso 2020 na gagawin ang kakambal na torneo nito, ang 2019 ASEAN ParaGames.

Ito ang malungkot na inamin ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez kahapon kaugnay sa paghohost ng bansa sa ika-10 edisyon ng Asean Para Games.

“We received a memorandum asking us to fund the Asean ParaGames,” sabi ni Ramirez. “Concern is wala na kami maibibigay pa sa paghohost natin because we spent most of our funds for the preparation, training and exposures of our national athletes.”

Kabuuang P100-milyon ang inilaan para sa pagsasagawa ng kaakibat na torneo ng SEA Games subalit halos kalahati na lamang ang natitira sa nasabing pondo dahil sa mga gastos umano para sa paghahanda at pagsasanay ng mga differently-abled athletes.

Dapat na nasa pamamahala ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC), base sa kautusan ng Southeast Asian Games Federation (SEAGF), ang SEA Games at  Para Games subalit ibinigay sa PSC sa isang memo ang pagpondo para sa huli.

“We will be asking again the government for funds to be used in the ASEAN ParaGames. Kung wala, posibleng hindi na matuloy, or mapostpone na naman to a later date, or makakuha tayo ng mga makakatulong para pondohan ang mga kasama nating mga differently-abled athletes,” ayon kay Ramirez.

Mahigit 2,500 atleta at team officials mula sa 11 bansa ang sasabak sa aksiyon sa Para Games kung saan 518 ang paglalabanang events sa 16 sports.

Related posts

Leave a Comment