PINOY ATHLETES SASANDIGAN NI RAMIREZ

poc

(NI ANN ENCARNACION)

 

OPTIMISTIKO si Philippine Sports Commission (PSC) William ‘Butch’ Ramirez na ang matinding paghahanda ng mga pambansang atleta ang magiging susi sa inaasam nitong muling pagsungkit sa pangkalahatang titulo sa pagho-host ng bansa sa ika-30 edisyon ng Southeast Asian Games.

Aminado si Ramirez na pinakasusi sa kampanya sa internasyonal na torneo ang planado at mahabang na paghahanda para sa ninanais makamit na tagumpay sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Ayon kay Ramirez, sa kanyang pagdalo sa SCOOP On Air Forum, halos 75 percent ng mga atleta sa bawat National Sports Association ay mayroong international exposure.

Idinagdag niya na bagama’t walang ‘Sports Godfathers’ ngayon ang ating mga atleta, sinuportahan sila ng PSC sa kinakailangan nilang international training and exposure na kinakailangan nila.

Katulad ng ipinagutos ni President Digong (Rodrigo Duterte), ginawa umano ng PSC ang lahat upang matiyak na magiging matagumpay ang mga atletang Pinoy at ang bansa sa ikaapat na paghohost nito sa biennial meet.

Ito ang ikalawang pagkakataon na tatayo bilang chef de mission si Ramirez. Nauna niyang hinawakan ang nasabing posisyon noong 2005 SEA Games kung saan nakamit ng Pilipinas ang pangkalahatang kampeonato sa kada dalawang taong mulit-sports tournament.

At ngayong 2019 SEA Games, kaisa ni Ramirez ang buong bansa na umaasang magagawang muli ng Pilipinas na maging overall champ sa naturang biennial meet.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment