PHL 3X3 UMANGAT SA WORLD RANKINGS

(NI LOUIS AQUINO)

LUMAPIT ang Pilipinas sa inaasam na makapag-compete sa 3×3 tournament sa 2020 Olympic Games makaraang umangat ito sa world rankings.

Base sa update ng FIBA 3×3 nitong Linggo, No. 24 na sa world rankings ang Pilipinas na nagpatibay sa hangarin nito na maimbitahan sa Olympic Qualifying Tournament (OQT).

“This is a surprising development even for us,” ani league owner Ronald Mascariñas. “We started the year at 60 and many said that making it to an Olympic Qualifying Tournament was improbable. But with the hard work of our players and our staff, we were able to crack the top 24.”

Bago ang grand finals ng 2019 Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 Patriot’s Cup, ranked No. 28 lang ang bansa sa 6,257,888 points nito.

Itinuturing na level-eight tourney ng FIBA, matapos ang finals ng Patriot’s Cup ay nakatipon ng 434,452 points ang Pilipinas men’s 3×3 na nagpataas sa rankings nito at nahigitan pa ang Dominican Republic, Canada, Indonesia, at Switzerland.

Kung hindi bababa sa Top 24 ranking ang bansa sa pagtatapos ng FIBA-imposed cut-off sa November 1, 2019, awtomatikong pasok na ang Pilipinas sa Olympic Qualifying Tournament sa March 2020.

Tatlong slots ang nakalaan sa 2020 Olympics sa OQT. Ang apat sa walong seats ay mapupunta sa host Japan at tatlo sa highest-ranked teams sa pagtatapos ng deadline.

Ang huling slot naman ay ia-award sa mananalo sa Universality-driven OQT sa April 2020.

Kaya ang goal ng bansa ay mapanatili man lang ang kasalukuyang standings natin sa pamamagitan ng pagsasagawa ng maraming tournaments at pagsali sa international competitions.

“The fight is not yet over. Yes, we are happy that we made it to the top 24 but the challenge now is to maintain our standing or go even higher,” sabi ni Mascariñas.

“We are currently in talks with FIBA to host a Manila Challenger this September. Wilkins-Balanga is also preparing for the Bucharest Challenger this August 11 and 12. We are also already preparing for our third conference, which is the Magiting Cup that will begin this September,” dagdag niya.

Kung sakali naman na hindi mapangatawanan ng bansa ang top 24, plano ni Mascariñas mag-bid para sa hosting ng OQT para magkaroon ang Pilipinas ng automatic slot sa Olympics.

 

Related posts

Leave a Comment