PDU30 TALO

(NI ANN ENCARNACION)

WALANG panalo si Pangulong Rodrigo Duterte dahil kapwa bigo ang Pilipinas at China, kahit pa sa konsolasyon na maging kinatawan ng rehiyon sa 2020 Tokyo Okympics.

Matatandaan na bago pa man nagsimula ang FIBA World Cup ay nagbiro si PDU30 na hindi mananalo ang Gilas Pilipinas at kung siya ang pappipiliin ay mas pupusta raw siya sa China.

Ngunit kapwa luhaan ang Gilas at World Cup host China makaraang mabigo sa huli nilang mga laban kontra Iran at Nigeria, ayon sa pagkakasunod.

At dahil sa 95-75 panalo ng Iran laban sa Pilipinas, nagkaroon ito ng “higher aggregate margin of victory” (plus-7) kumpara sa China (minus-10) kaya’t nakuha nito ang karapatan na maging kinatawan ng Asya sa 2020 Olympics.

Samantala dahil sa pagkabigo ng China kontra Nigeria, 86-73, ang huli naman ang magiging kinatawan ng Africa sa Tokyo Olympics.

I FELL THEIR PAIN–Bolick

NAPAIYAK si Gilas Pilipinas rookie player Robert Bolick Jr. matapos mabokya ang Gilas Pilipinas sa 2019 FIBA World Cup sa Beijing, China

Ayon kay Bolick nalulungkot siya para sa mga kasamahan niya at bumubuo sa national coaching staff dahil hindi sila nanalo kahit isang beses sa FIBA.

Nalasap ng Gilas ang ikalimang sunod na kabiguan laban sa Iran, na muling sasabak sa 2020 Olympics matapos maagaw sa China ang karapatan na maging Best Team in Asia.

“I can feel their pain,” emosyunal na sabi ni Bolick. “I feel bad for the coaching staff, they had to… they really work hard, and they…we only had 10 days to prepare. I really feel bad for them kasi lahat ng blame napupunta sa kanila. I really feel bad for the coaching staff.”

Ikinalungkot din ng Gilas rookie ang mga nasayang na pagkakataon sa koponan para manalo subalit hindi nito nagawang makumpleto upang makapaguwi ng kahit isang panalo mula sa World Cup.

“I hope to do better, some of the games are winnable games, hindi lang kami nagkakaanuhan eh, hindi lang kami masyadong nagkaka-in synch, offensively and defensively,” aniya.

“I think it is an eye opener for us, for our country. Give more time to prepare, especially in this kind of magnitude, World Cup, the best teams are here eh, hindi na ito biro. So it just sucks for me. Siyempre bata pa ako, but for Gabe, for those senior guys, feeling nila last na nila eh, I feel their pain,” hinagpis ni Bolick.
Ikinainis pa ni Bolick ang pagyayabang umano ng Iran bago matapos ang game sa pagitan nila.

“The thing that they (Iran) did, they were jumping, shouting and everything. It’s gonna be a motivation for me. I, for sure, I won’t let it happen again… Babawi kami next time, hindi na sila tatalon for sure,” sabi pa nito.

Related posts

Leave a Comment