PBA, BUBUO NG 3×3 LEAGUE

(NI ANN ENCARNACION)

IPAGPAPATULOY  ng Philippine Basketball Association (PBA) ang matagumpay na 3×3 basketball sa pagbuo ng isang liga na sisimulan nito sa gaganaping draft sa Pebrero 2020.

Ayon sa social media post ng PBA, bubuksan ang rehistrasyon para sa mga aspiring  players sa gaganaping PBA 3×3 sa Pebrero 17.

Mga basketball player na edad 17-anyos pataas, Filipino o may lahing Pinoy ang maaaring sumali sa draft.

Para sa mga interesadong sumali, dapat na magsumite ng application form, original Philippine Statistics Authority (PSA) issued birth certificate, certificate of recognition mula sa Bureau of Immigration para sa Fil-foreign applicants, at 2×2 picture.

Ang deadline ng submission ng lahat ng requirements ay sa Pebrero 7. At para sa karagdagang detalye, tumawag sa (02) 84702768 at hanapin si Rosc Teotico.

Ang 3×3 league ay inaprubahan kamakailan lamang ng PBA board at isasagawa katuwang ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Gayunpaman, hindi pa inihahayag ang mga detalye kung kailan opisyal na sisimulan ang 3×3 basketball league.

Related posts

Leave a Comment