PACQUIAO vs THURMAN BOUT, TULOY!

pacman12

(NI ARIEL BORLONGAN)

SA Hulyo ngayong taon na magaganap ang unification bout nina WBA “regular” welterweight champion Manny Pacquiao ng Pilipinas at walang talong si WBA “super” welterweight titlist Keith Thurman ng United States.

Nabatid mula sa  BoxingScene.com, sa Hulyo 20 na ang unification bout nina Pacquiao at Thurman. Inaasahang gaganapin ito sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

“The long-expected announcement of the Keith Thurman-Manny Pacquiao fight finally was made Saturday night during FOX’s telecast from Fairfax, Virginia. Thurman-Pacquiao has been scheduled July 20,” ayon sa ulat.

“Their welterweight title bout will headline a FOX Pay-Per-View show. Their 12-round fight is expected to take place at MGM Grand Garden Arena in Las Vegas.”

Maliban sa laban nina Pacquaio at Thurman, mapapanood din sa pay-per-view show ang unang title defense ni IBF super middleweight champ Caleb Plant laban kay Mike Lee.

Inaasahang magiging kapanapanabik ang laban ng 40-anyos na si Pacquiao at sampung taon na mas bata sa kanyang si Thurman.

Kapwa galing sa panalo ang dalawa, si Pacquiao ay nagwagi sa 12-round unanimous decision laban sa Amerikanong si Adrien Broner habang si Thurman ay nanalo sa 12-round majority decision laban kay Josesito Lopez ngayong Enero.

May rekord ang 30-anyos na si Thurman na perpektong 29 panalo, 22 sa pamamagitan ng knockcouts kumpara kay Pacquiao na may kartadang 61.7-2 win-loss-draw na may 39 pagwawagi sa knockouts.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment