NO BRIGHT, NO PROBLEM  

(NI DENNIS IÑIGO)

MULING nagliwanag ang kinabukasan para sa University of the Philippines (UP) Fighting Maroons sa pag-alis ng kanilang sentro na si Bright Akhuetie, na nakatakdang gumradweyt sa susunod na taon.

Ito ay dahil sa nakatakdang paglipat sa Diliman ng 6-foot-11 na si Maodo Malick Diouf.

Ayon sa ulat ng Spin, pumayag na ang Centro Escolar University na mag-tansfer sa UP ang 20-anyos na Senegalese.

Si Diouf ay may record na 16.7 points at 46-percent shooting, 19.5 rebounds, 3.3 assists, 2.9 blocks, 2.0 steals sa kanyang paglalaro sa CEU Scorpions.

Naging susi siya sa runner-up ng CEU sa 2019 PBA D-League Aspirants’ Cup, kung saan nagkampeon ang Cignal-Ateneo, kahit pa halos kalahati ng players nito ay hindi nakapaglaro sa finals dahil sa game-fixing allegations.

Pinangunahan din ni Diouf ang Scorpions sa NCRAA title, at inakay ito sa semifinals finish sa 2019 UCBL season na may average 18.0 points, 15.9 rebounds, at 3.0 blocks.

Mayroon lamang three playing years sa liga si Diouf kaya’t isang taon lang siyang makapaglalaro para sa Fighting Maroons sa UAAP Season 84 sa 2021.

Matatandaan na lumipat sa Diliman si Akhuetie, mula sa Perpetual sa NCAA, para tulungan na magkampeon ang UP sa UAAP Season 83 kung saan muling nanalo ang defending champ Ateneo Blue Eagles.

Gayunpaman, nangako si Akhuetie, kasama ang teammates na sina Kobe Paras at Ricci Rivero na maglaro pa rin sa UP Maroons sa susunod na season.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment