NCAA JUNIORS BASKETBALL: ARELLANO PINIGIL NG LSGH

(PHOTO BY MJ ROMERO)

PINUTOL ng CSB-La Salle Greenhills ang five-game winning streak ng Arellano sa 74-66 panalo Martes sa NCAA Season 95 juniors basketball tournament sa Filoil Flying V Centre, San Juan.

Pinasan ni RC Calimag ang Greenies sa kanyang 19 points, four rebounds, at two assists habang nagambag ang kanyang mga teammate na sina Kobe Palencia ng 17 points; Jiam Quiambao, 13 points, at Gian Arciaga, 10 points.

Maaga pa ay kinontrol na ng LSGH ang game nang magtala ng 10-puntos na kalamangan, 58-48, na nagawang hadlangan ang ilang pagtatangkang makahabol ng Arellano.

Nanguna para sa Braves si Rodman Templonuevo sa itinalang 16 points at six boards, habang si Adrian Rellama ay nagdagdag ng 13 points, six rebounds, three assists, at two steals.

Magkasalo ngayon sa second place ang LSGH at Arellano na parehong may 5-2 panalo-talo.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment