NBA FINALS: GAME 6; ALAS NASA RAPTORS

raptors12

NASINGITAN ng Golden State ang Toronto, 106-105, noong Martes at nakapwersa ng  Game 6 pero mukhang lahat ng alas ay nasa Raptors, na isang panalo na lang ang kailangan para masungkit ang kauna-unahang NBA championship crown.

Una, tuluyan nang naglaho ang pag-asa ng Warriors na makalaro si Kevin Durant matapos operahan dahil sa ruptured Achilles nang piliting maglaro noong Game 5.

Pangalawa, lumala rin ang cartilage fracture sa right collarbone area ni big man Kevon Looney noong Martes kaya’t malabo siyang makalaro ngayon.

Pangatlo, mayroon nang anim na technical fouls si Draymond Green at isang pagkakamali lang ay automatic suspended na siya kaya’t inaasahang magiging limitado ang galaw niya.

At bagama’t gumana ang hot shooting ng Splash Brothers na sina Stephen Curry at Klay Thompson sa Game 5, inaasahan nang bantay-sarado sila ngayon sa Raptors.

“We don’t want to give up that many to those guys,” ani Raptors coach Nick Nurse. “I think you got to guard them, got to find them in transition. They get a good chunk of them in that.”

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment