MUAY THAI SISIPA NG MEDALYA SA 30TH SEAG

(NI DENNIS INIGO)

TARGET ng Muaythai Association of the Philippines (MAP) na makapag-ambag ng medalya sa paghataw sa 30th Southeast Asian Games sa Manila.

Siyam na gold medals ang pagaagawan sa biennial competition sa Nov. 30-Dec.11 at hangad ng MAP na hindi sila ma-zero.

“There’s no doubt we will do well (in the SEA Games). Walang duda dyan na kaya natin,” saad ni MAP secretary-general Pearl Managuelod sa 35th “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros.

“Sigurado ako we will have medals in all nine events in the SEA Games, pero sa gold hindi ko masasabi,” ani Managuelod, pansamantalang mamamahinga upang pagtuunan ang kanyang kinukuhang Sports Psychology studies sa University of Ottawa sa Canada.

Kumpiyansa si Managuelod na maganda ang kahahantungan ng muaythai sa Pilipinas sa ilalim ng liderato ng kanyang ama na si Ret. Gen. Lucas Managuelod.

Ipinagmalaki niya na lumawak at lumakas ang muaythai simula nang tutukan nila ito noong 2014.

“We are very strong, very aggressive in our grassroots development program. May regional championships, may national championships kami. Yun chapters namin around the country are also very active on their own,” pagmamalaki ni Managuelod sa forum na inispobsoran ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Commuity Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks.

“Marami kaming nire-recruit for our national team. In fact, we have 12 new athletes in our developmental team this year. Very strong ang muaythai team ngayon. Talagang hahasain namin sila. Very soon we will see the results,” dagdag niya.

Tinanong ukol sa nakaraang SEA Games sa Malaysia, inamin ni Managuelod na hindi nakapagbigay ng magandang performance ang koponan.
“In 2017 SEA Games in Malaysia, there were only five events and we were able to get only one bronze medal. But in other international events, we always won medals.”

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment