MISYON NI CARIASO: 1st ALASKA PLAYER, COACH CHAMPION

MAY bago nang coach ang Alaska Aces at siya’y walang iba kundi ang dating player nitong si Jeffrey Cariaso.

Bilang bagong coach ng Aces, misyon ni Cariaso na maging unang Alaska player at coach na magkampeon sa PBA.

Si Cariaso ang longtime deputy ng pinalitan niyang si Alex Compton, nag-resigned kahapon bilang head coach ng Alaska matapos ang limang taon.

Ayon kay Compton, mismong si Alaska team owner Fred Uytengsu ang humiling sa kanyang bumaba na sa puwesto.

“Yesterday at his house, a man I deeply respect, Fred Uytengsu, sat down with me, looked me in the eye, and asked me to step down.”

“I accepted his direction and have agreed to resign as head coach of the Alaska Aces,” dagdag ni Compton. “It has been an honor for me to coach such a storied franchise.”

Sa limang taon niya bilang coach ng Aces, nagawa ni Compton na madala ang team sa limang championship appearances sa 15 conferences, pinakahuli ay ang 2018 PBA Governors’ Cup Finals kung saan natalo sila sa Magnolia.

“We also share that winning (with integrity) is an important aspect of our team, and are grateful that Alex stepped aside to pave the way for someone else to lead our Aces to our next championship,” sabi ni Uytengsu.

Ibinigay ng Alaska management ang kanilang “full trust” sa bagong coach ng team na si Cariaso, na ayon kay Uytengsu ay gusto niyang maging unang Alaska player na manalo ng  championships bilang player at head coach.

“I am honored for the opportunity, and genuinely humbled as I face the challenge,” sabi naman ni Cariaso. “Certainly, I will give my best, nothing less.”

Si Cariaso ay bahagi ng Alaska na binansagang “Team of the 90’s” dahil sa kanilang siyam na championships kasama ang isang grandslam noong 1996. Kabilang din sa naturang team sina Johnny Abarrientos, Jojo Lastimosa at Bong Hawkins.

Related posts

Leave a Comment