MGA KALABAN DINOMINA NG GILAS WOMEN, MEN

(NI DENNIS IÑIGO)

IMPRESIBO ang simula ng kampanya ng Philippine women’s 3×3 basketball team makaraang talunin ang tatlong nakalabang koponan kahapon sa Arena, San Juan City.

Kabilang sa mga tinalo ng Gilas Women ang Myanmar, 21-4; Malaysia, 15-13, at Indonesia, 16-13.
Itutuloy ng Gilas Women na kinabibilangan nina Afril Bernardino Janine Pontejos, Jack Animam, at Clare Castro, ang kanilang laban ngayon (Lunes) sa pagpapatuloy ng elimination round kung saan makakalaban nila ang Vietnam sa alas-9:20 ng umaga, kasunod ang Thailand sa alas-1-:40 ng umaga bago ang semifinals round na magsisimula sa alas-2 ng hapon.

Tiniyak naman ni Bernardino na hindi magiging sagabal ang natamong injury sa right thumb sa laban kontra Indonesia sa magiging laro niya ngayong araw.

“Kumikirot pa rin siya pero siguro hindi ko na iniisip yung sakit kasi lahat naman kami pinagtrabahuan yung event na ‘to, pinaghandaan talaga namin ‘to,” paniniyak niya. “Hindi ito reason para mag-give up.”

Samantala, na-sweep din ng Gilas Men 3×3 team ang unang apat na laban nila kahapon.

Walang kahirap-hirap na tinalo ng team nina  CJ Perez, Jason Perkins, Mo Tautuaa at Chris Newsome ang kanilang mga nakalabang Vietnam, 21-15; Thailand, 21-10; Indonesia, 21-17; at Myanmar, 21-10.

Gaya ng Gilas Women, tatanggkain ng Gilas Men na makaabante sa semifinals ngayong umaga kontra Malaysia sa ala-11:20, bago harapin ang Cambodia sa 12:20 ng tanghali.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment