MGA DAPAT BANTAYAN SA SEA GAMES

SEA GAMES-2

Kilala na ng karamihan sa mga sports fans ang mga tulad nina weightlifter Hidilyn Diaz, gymnast Carlos Yulo, boxing champion Nesthy Petecio at syempre ang buong Gilas Pilipinas team na maglalaro sa paparating na Southeast Asian Games.

Hindi lang dahil sa kanilang international success ang dahilan kung bakit nakilala ang mga pangalang nabanggit kungdi dahil na din sa tuloy-tuloy na exposure na nakukuha ng mga ito sa media.

Sa 30th SEA Games na sisimulan bukas, inaasahan na mas maraming atleta ang mabibigyan ng magandang exposure at makilala ang kanilang mga sports na karamihan ay hindi pa pamilyar ang mga pinoy.

Bukod sa lahat ng mga major media entities ng print, online at broadcast, Malaki din ang magiging  kontribusyon ng social media para magkaroon ng awareness ang mga tao sa laro ng mga pambansang atleta ng Pilipinas.

Sa matagal na panahon, dinomina ng basketball, boxing, billiards at volleyball ang sports pages at maging mga broadcast shows na halos matabunan na ang ibang sports.

oOo

Nakatakdang ng ng malaking ingay sa SEA Games si Fil-Am karateka Joane Orbon na dating world-rated sa kaniyang dibisyon.

Ipinanganak si Orbon sa San Jose, California habang ang mga magulang nito ay tubong Ilocos Sur at Bicol na nag-migrate sa United States.

Ang 25-year-old na si Orbon ay 10-time US Open champion bukod pa sa pagiging three-time gold medal winner ng Pan-American Games.

Pinakamataas na ratings ni Orbon sa world rankings at number six sa -61kg ngunit unti-unti itong bumaba dahil sa mga natamong injuries at inactivity.

Nagkaroon ng ilang delays sa activity si Orbon dahil sa trinabaho nito ang mga papeles para maging official member ito ng Philippine national team.

Sa tulong ni Karate Pilipinas Sports Foundation, Inc. (KPSFI) president Richard Lim, pormal na nakuha ng Pilipinas ang recognition ni Orbon bilang official member ng Team Pilipinas buhat sa International federation ng nasabing sport, ang World Karate Federation.

Bukod sa SEA Games, inaasahan din ang pagsabak ni Orbon sa mga Olypic qualifiers sa susunod na taon sa asam na makalaro sa 2020 Tokyo Olympic Games.

oOO

Si skateboarder Jaime De Lange ang nakikita naman na magiging mukha ng kanilang sport matapos ang Southeast Asian Games.

Downhill Skateboarding ang event ni De Lange kung saan ang pagkarera pababa ng kabundukan sakay ang isang mas malapad na skateboarding ang sport ng Muntinlupa-born athlete.

Si De Lange ang maituturing na top skateboarder ng Southeast Asia dahil sa pagiging beterano nito sa mga international events.

Batak din ang 23-year-old na si De Lange sa numerous World Cup qualifiers na ilang beses na din na ginanap sa Pilipinas.

Bukod kay De Lange, gagawa din ng pangalan sa kani-kanilang sports sina Cebuano Andrew “Kim” Remolino ng Triathlon, Wakeboarder Mikee Teh Selga ng Davao at Leyteno Michael Comaling ng Modern Pentathlon.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment