MERCADO, DINAGIT NG PHOENIX

Solomon Mercado

KASUNOD ni Brian Heruela, kumuha ng isa pang veteran guard ang Phoenix sa katauhan ni Solomon Mercado ng NorthPort.

Bilang kapalit ni Mercado, mapupunta sa Batang Pier sina LA Revilla at Rey Guevarra.

Nauna nang tinrade ng Fuel Masters si Ron Dennison sa Blackwater para sa 30-anyos na si Huruela.

Umaasa ang Phoenix na makatutulong ang mga bagong player nila, lalo na ang tried and tested sa playoffs at finals na si Mercado, sa all-Filipino campaign ng koponan.

Matatandaang nakabilang ang 35-anyos na si Mercado sa tatlong title runs ng Barangay Ginebra (2016-2018).

Bahagi rin siya ng NorthPort, ang team na nang-upset sa top-seeded NLEX sa katatapos lang na PBA Governors’ Cup.  (EBG)

Related posts

Leave a Comment