MERALCO-GINEBRA 1-1 NA

GAYA ng kanilang pangako, bumawi ang Meralco at itinabla ang serye kontra Barangay Ginebra, 1-1, Biyernes sa Quezon Convention Center sa Lucena. 

Nagkaalaman lamang ng nanalo sa huling mga segundo ng laro kung saan nakaungos ang Bolts kontra Gin Kings, 104-102, sa Game 2 ng PBA Governors Cup best-of-seven finals. 

Hindi gaya sa Game 1, kumonekta ang mga tira ng Bolts lalo sa three-point area, kung saan umukit sila ng franchise-record na 16 triples na naging sandata nila para lumamang ng 19-puntos sa halftime. 

Bumalikwas ang Ginebra sa third quarter at nakipagpukpukan sa fourth quarter  ngunit kinapos sa bandang huli. 

Kumamada si Allen Durham ng 21 points, 18 rebounds, at 6 assists para sa Bolts, habang nagdagdag si Baser Amer ng 17 points, kabilang ang 5 triples.

Nagambag din si Chris Newsome ng 17 markers, habang nagsumite ng 15 si Raymond Almazan at 12 si  John Pinto. 

Nanguna para sa Kings si Justin Brownlee na tumapos na may 35 puntos at 11 rebounds, at naging susi para maitabla ang iskor sa 70-all sa third quarter.

Ngunit sa pamamagitan ng 9 na puntos ni Nico Salva ay napanatili ng Meralco ang lamang sa 82-76 sa pagpasok ng huling period. 

Nagtala rin ng double-double, 23 points at 10 rebounds si Stanley Pringle para sa Ginebra. 

Muling magtutuos ang dalawang koponam sa ikatlong pagkakataon bukas ng gabi sa Araneta Coliseum. (EBG) 

Box Scores

Meralco 104 – Durham 21, Amer 17, Newsome 17, Almazan 15, Pinto 12, Salva 9, Caram 5, Quinto 5, Faundo 3, Hodge 0, Hugnatan 0, Maliksi 0.

Ginebra 102 – Brownlee 35, Pringle 23, Aguilar 18, Tenorio 10, Slaughter 6, Thompson 4, Caguioa 4, Mariano 2, Devance 0, Caperal 0, Dela Cruz 0.

Related posts

Leave a Comment