MAYWEATHER AYAW NANG SUMUGAL KAY PACQUIAO

WALANG interes si Floyd Mayweather na lumaban pang muli kay Manny Pacquiao.
Sinabi ni Leonard Ellerbe, chief executive ng Mayweather Promotions, malabo nang magkaroon ng Mayweather-Pacquiao Part 2.

“Floyd has no interest,” sabi ni Ellerbe sa boxingscene.com. “He has zero interest. He’s been doing this all his life. And after a while, you get burned out. He’s given the sport everything.”

Pinaniniwalaang kumita ang retirado nang si Mayweather ng $300 million sa 2015 bout nila ni Pacquiao.

Itinuturing na “most lucrative fight in history” ang naturang laban na kumita ng mahigit $600 million.

Ipinahayag ng long-time trainer ni Pacquiao kamakailan na gusto niyang magkaroon ng Mayweather-Pacquiao Part 2 dahil hindi 100% fit noon ang Pambansang Kamao, nagkaron ng shoulder injury bago ang fight day kaya’t natalo sa puntos.

Ngunit wala sa isip ni Mayweather na lumaban ulit kay Pacquiao at kuntento nang panoorin ang Filipino boxing icon na makikipagbakbakan kay Thurman sa July 20 sa Las Vegas.

“He’s living his best life,” ayon kay Ellerbe. “He’s traveling, spending time with his kids, spending time with his family. He’s doing all the things that he never got a chance to do because boxing has consumed his life ever since he was 5 years old.

“So truly, he’s getting to do stuff for really kind of the first time in his life. And he’s really enjoying it,” dagdag nito.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment