MAS BATANG GILAS PINABORAN NG SBP

PBA-SBP

MAYROONG 11 PBA players at 13 collegiate at rookies ang kasama sa 24-man Gilas Pilipinas pool na maghahanda para sa first window ng qualifiers para sa 2021 FIBA Asia Cup.

Nagkasundo ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at Philippine Basketball Association (PBA) na mula rito ay pipili ng Final 12 na kakatawan sa Pilipinas na lalaban sa Indonesia at Thailand sa Pebrero.

Kabilang sa PBA stars sina Japeth Aguilar, Kiefer Ravena, CJ Perez, Fil-German Chirstian Standhardinger, Ray Parks, Poy Erram, Roger Pogoy,  Mac Belo, Matthew Wright, Troy Rosario at Marc Pingris.

Kasama rin sa pool sina Isaac Go, Rey Suerte, Matt at Mike Nieto at Allyn Bulanadi na hinugot mula sa special Gilas draft noong Disyembre.

Bukod sa mga nabanggit, nasa listahan din sina Thirdy Ravena, Kobe Paras, Fil-American Dwight Ramos, Jaydee Tungcab, Javi Gomez de Liano at Justine Baltazar.

Sa unang pagkakataon ay magkakasama sa isang koponan ang magkapatid na Thirdy at Kiefer, gayundin ang kambal na sina Mike at Matt.

Sa pulong nina PBA commissioner Willie Marcial at SBP president Al Panlilio, hindi pa rin napag-usapan ang uupong interim coach ng koponan sa pagsabak kontra Thailand sa Pebrero 20 at Indonesia sa Pebrero 23.

Kaliwa’ kanang batikos naman mula sa netizens ang inabot ng SBP sa hindi pagsama sa pool kina five-time Most Valuable Player June Mar Fajardo at two-time Asia’s Best Guard Jayson Castro.

Nagpahayag din sila ng pagkadismaya sa pagkakasama kay Marc Pingris, na matagal na hindi nakapaglaro at kababalik pa lamang mula sa isang matinding injury.

“Junemar, Kai sotto, Edu?? Ang liliit ng nasa line up,” komento ni marvin montealegre@benthought12.

“Marc Pingris???? 💀 Could’ve just gotten him to be an assistant coach,” ayon kay McBlur💨@GilasTNT.

“Would love@JAlapag3 to coach this group..and @MPingris15 shud be there to be honored!!! nasabi naman ni Dan Decena@maciel333.  (VT TOMANO, ANN ENCARNACION)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment