MAGNOLIA NAPANIS SA PAINTERS

(NI RAVENZON BIASON)

KAHIT may bagong import ang Rain or Shine Elasto Painters, pinatunayan ni Beau “Extra Rice” Belga na kaya nilang manalo sa tulong ng local players nang talunin ang Magnolia Hotshots, 86-82, Miyerkoles sa Smart Araneta Coliseum.

Nagbida si Belga sa naturang panalo nang magposte ng 22 puntos, 5 rebounds at 1 assist habang nagambag ang bago nilang import na si Carl Montgomery ng 20 puntos.

Si Montgomery ang pumalit sa na-injured na si Denzel Bowles.

Pinangunahan naman ang Pambansang Manok nina Ian Sangalang sa pagbuslo ng 24 puntos, 14 mula kay Mark Barroca at nagdagdag ng 19 puntos si James Anthony Farr.

Tabla na ngayon ang E-Painters at Hotshots sa panlimang puwesto na may 5-5 win-loss record.

Box scores:

Rain or Shine 86 – Belga 22; Montgomery 20, Daquioag 14, Rosales 7, Mocon 7, Norwood 5, Nambatac 5, Ponferada 3, Torres 2, Borboran 1.

Magnolia 82 – Sangalang 24, Farr 19, Barroca 14, Lee 9, Jalalon 7, Dela Rosa 6, Herndon 3, Melton 0, Pingris 0, Brondial 0.

Quarter scores: 15-22, 35-41, 64-61, 86-82.

 

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment