MAGNOLIA HINABLOT NG ALASKA

MAGNOLIA-VS-ALASKA

HINDI nagawa ng Magnolia Hotshots na manalo sa ikatlong pagkakataon dahil hinablot ito ng Alaska Aces sa kanilang laban kahapon (Linggo) nang manalo ito sa una.

Ang nakatutuwa ay tinambakan ng Alaska ang Magnolia sa iskor na 100-71 sa Game 3 ng PBA Gover-nors’ Cup finals.

Hindi lang kinayang makadikit ng Alaska sa serye (2-1), pinalasap din nito sa Hotshots ang worst finals loss sa franchise history ng Magnolia.

Pinangunahan ni Mike Harris ang pananalasa ng Aces nang magpaulan ito ng sunod-sunod na puntos kabilang ang tatlong tres, isa sa mga ito ay four-point play pa, at pinalobo ang lamang kontra Hotshots (83-50) sa pagtatapos ng third quarter.

Sa laki ng kalamangan, hindi na pinasok ni Alaska coach Alex Compton si Harris sa fourth quarter.

“I think we had a great defensive effort and we made shots,” ani Compton.

“Overall, the story of the game in the first three quarters was we made a bunch of shots and we didn’t turn the ball over,” susog niya.

Nawala ang bangis na ipinakita ni Romeo Travis sa Game 1 at 2 sa pasabog sa Game 3 ni Harris matapos itong umukit ng 36 puntos at 18 rebounds.

Umayuda kay Harris sina Vic Manuel na gumawa ng 14 puntos, Simon Enciso 12 puntos, at Carl Bryan Cruz 10 puntos, pito rito ay inukit niya sa first half, 50-36.

Maliban kayTravis na may 18 puntos, tanging si Mark Barroca lang sa Hotshots ang nakapagtala ng dou-ble digit score, 13.

ISKOR:

Alaska 100 – Harris 36, Manuel 14, Enciso 12, Cruz 10, Banchero 6, Pascual 4, Teng 4, Galliguez 4, Casio 4, Baclao 2, Andrada 2, Racal 2, Magat 0, Exciminiano 0, Potts 0.

Magnolia 71 – Travis 18, Barroca 13, Herndon 7, Sangalang 7, Mendoza 6, Dela Rosa 5, Abundo 4, Reavis 3, Melton 2, Lee 2, Jalalon 2, Ramos 0, Simon 0, Gamalinda 0, Pascual 0, Brondial 0.

Related posts

Leave a Comment