MAGANDANG LABAN IBIBIGAY NI PACQUIAO KAY SPENCE JR.

pacman200

(NI EM RUBIN)

“WE’LL give the fans a good fight.”

Ito ang pangako ng 40-anyos na si Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa paghaharap nila ni IBF Welterweight World Champion Errol Spence Jr., matapos ang matagumpay na pagdepensa ng Amerikano sa kanyang titulo noong Linggo.

Kasalukuyang hawak ni Pacquiao ang “regular” WBA Welterweight title na personal na nanood ng laban ni Spence kontra Mikey Garcia sa AT&T Stadium sa Texas at umakyat sa loob ng ring pagkatapos ng bakbakan. Dito na siya hinamon ni Spence.

“He’s a legend of the sport. It will be my honor to fight him next,” sabi ni Spence patungkol sa eight-division world champion ng boxing.

Bago pa man ginanap ang labanang Spence at Garcia ay sinabi na ni Pacquiao na target niyang kalabanin kung sino man ang mananalo sa dalawa.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment