LETRAN HARI NG NCAA MEN’S BASKETBALL  

MAY bago nang hari ang NCAA men’s basketball ngayong season at ito ang Letran Knights.

Nitong Martes ay  ay hinubaran ng korona ng Knights ang San Beda Red Lions nang talunin ito sa iskor na 81-79 sa makapigil-hiningang do-or-die Game 3 ng NCAA Season 95 men’s basketball tournament.

Ito ang unang NCAA crown ng Letran simula noong 2015.

Dobleng sakit ang pagkatalo para sa San Beda na nabahiran ang sana’y perpektong season nang silatin ng Letran sa Game 1 ng kanilang best-of-three finals series at nabulilyaso pa ang inaasam na fourth consecutive title.
Na-sweep ng San Beda ang elimination round at may perpektong 32-game winning streak bago ginulat ng Knights sa Game 1, 65-64.
Agad naman bumalikwas ang San Beda at kinuha ang Game 2, 79-76, para makapwersa ng decider Game 3.
Ngunit sa huli ay nanaig ang Knights para hablutin ang ika- 18 titulo sa seniors division.
Unang nagkampeon ang Letran noong Season 91, nang tinalo nito ang San Beda sa three games. (PHOTO BY MJ ROMERO)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment