LABADAN, LALABAN SA SEAG

(NI DENNIS IÑIGO)

IBIBIBIGAY ng teenage-wonder gymnasts na si Breanna Labadan ang lahat upang maisakatuparan ang pangarap na makapaglaro sa Southeast Asian Games.

Kinakitaan ng malaking potensyal ang 13-anyos na si Labadan, tubong Butuan City, na ngayon ay nagpapakitang gilas sa rhythmic gymnastics.

Nito lamang Nobyembre ay tatlong gintong medalya ang kinubra niya sa junior Individual All-Around titles mula sa Hungary at Denmark.

Ibinulsa ng dating St. Scholastica’s College student ang titulo sa 2019 Magic Cup Rhythmic Gymnasts meet at RG Friends Masters Gymnastics meet 2019. Nakamit rin niya ang tansong medalya sa Royal Crown Gymnastics sa Greece noong Mayo.

Ang pagningning ng teen-gymnasts’ sa pandaigdigang kompetisyon ay nagsimula sa Palarong Pambansa nang magbulsa siya ng five gold medals sa 2018 Vigan Games kung saan kinatawan niya ang National Capital Region (NCR). Kabilang sa mga napanalunan niya ang All-Around rope, ball apparatus, at club apparatus.

Sa ngayon ay hindi na sasabak pa si Labadan sa Palaro dahil miyembro na siya ng training pool ng Philippine Gymnastics team.

“Nahirapan din po ako dahil sa pagod sa training kaya minsan din po hindi na ako nakakapag-focus nang maayos. Kaya binabawi ko na lang po siya sa tulog para po may energy ako pagkagising ko,” wika ni Labadan sa 50th

“Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports sa National Press Club sa Intramuros,  Maynila kahapon.

Gaya ni 2020 Tokyo Olympics-bound Carlos Edriel “Caloy” Yulo, pangarap ng teen-sensation na mapasabak sa Quadrennial Games at maging sa Olympics balang-araw kaya’t matindi ang pag-eensayo niya sa ilalim ng batikang coach na si Dora Vass ng Hungary.

 

 

Related posts

Leave a Comment