KUNG FU MASTERS DADAYO SA PINAS

KUNG FU

IPAMAMALAS ng mga Pinoy ang husay nila sa martial arts sa nakatandang 80th anniversary ng Kong Han Athletic Club sa November 24.

Tinatayang 200 martial arts experts sa buong mundo ang magpapakitang gilas sa kung fu, isang tradisyunal na Chinese martial art na ipinalalagay na nagsimula pa noong kapanahunan ng Ming hanggang Ching dynasties.

Ang Kong Han Athletic Club ang nalalabing institusyon na nagtuturo ng kung fu na binubuo ng Five Ancestor’ Fist ng strikes, locks, takedown at self-defense.

Ipinagmamalaki ni Master Henry Lo na 10,000 mga estudyante ang nasanay sa nasabing eskuwelahan mula nang itatag ito noong 1937.

Sa kasalukuyan may 500 miyembro ang Han Athletic Club, ang pinakamatanda ay 80-anyos na senior master.

“What we are doing right now is to raise the level of exposure of the Five Ancestros’ Fist among Filipinos and not just being limited within the Chinese community,” ani Master Lao.

Iba’t ibang delegado mula Canada, Norway, Australia, England, USA, Singapore, Malaysia, Indonesia, Hong Kong, Macau, Japan at Taiwan ang lalahok sa nasabing okasyon.

Nakilala ang kung fu sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga pelikula ng yumaong Chinese superstar na si Bruce Lee na sinundan pa ng mga hit movies ni Jacky Chan.

Related posts

Leave a Comment