KD OUT, KLAY QUESTIONABLE SA GAME 3

KD12

(NI LOUIS AQUINO)

HINDI nakita sa practice at kahit sa training area ang two-time Finals MVP ng Golden State Warriors na si Kevin Durant at malamang hindi pa handang bumalik mula sa strained right calf sa Game 3 ng NBA finlas kontra Toronto Raptors ngayon sa Oakland.

Matatandaang na-injured si Durant sa Game 5 ng Western Conference semifinals kontra Houston noong May 8.
Samantala si Klay Thompson ay nag-ensayo noong Martes, dalawang araw matapos abutin ng mild strain sa kaliwang hita kaya’t di na natapos ang Game 2 kung saan siya ang highest scorer  (25 points) sa panalo ng Warriors.

Ayon kay Thompson kaya niyang lumaro sa kabila ng sakit na nadarama.

“It will be a game-time decision. But for me personally, it would be hard to see me not playing,” ayon sa isa sa Splash Brothers.

Isa pang iniinda ng Warriors ang butas sa gitna dahil bagsak din si backup big man Kevon Looney na nagkaroon ng bali sa collarbone area at hindi na makakalaro sa buong finals series.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment