KASIKATAN NG MGA PH BOXERS

PH BOXER-2

Sa nakaraang 15-20 years, mas marami na ngayon ang boxing promotions sa Pilipinas kumpara noon.

Mas marami din ang nagiging world champions na mga Pinoys ngayon dahil nga sa dami ng activities na mga nasalihan ng mga ito maging sa ibang bansa.

Sa kasamaang palad, hindi maituturing na “celebrated” o sikat na mga Pinoy boxers na naging world champions na maihahanay sa mga pangalan nina Manny Pacquiao, Nonito Donaire, Jr., Luisito Espinosa, Donnie Nietes at magkapatid na Dodie Boy at Gerry Penalosa.

Ilan sa mga maituturing na magagaling na world champions ng bansa ay sina Johnriel Casimero, Jhack Tepora at Marlon Tapales.

Sa kasamaang palad, hindi nila nakuha ang atensyon na nakuha ng mga tanyag na boxers noon.

Hindi naman maikakaila na ang mga performance ng recent champions katulad nina Casimero at Tepora ay maihahalintulad sa mga kalidad nina Donaire et al – explosive at exciting.

Pero bakit nga ba tila hindi kasikatan ang mga boxers ngayon kumpara ngayon kahit na halos linggo-linggo na ang paboksing sa Pilipinas?

Karamihan kasi sa mga promoters ngayon, kuntento nang nakakapag-promote sila ng mga boxing event.

Paniwala nila, sapat na ang manalo ang kanilang boxers, gumanda ang record, mapansin ng mga boxing organizations at maging world-rated.

Ang malaking kakulangan nila, katulad ng kakulangan ng handlers nina Tepora at Tapales, hindi napapanood ng mga boxing fans ang kanilang mga laban lalo na sa early part ng kanilang career.

Akala ng mga promoters at managers, lalo na ang mga baguhan, sapat na ang maging world champions ang kanilang boxers at automatic na sisikat ang mga ito at pagkakaguluhan ng TV networks at sponsors.

Hindi nila alam, business ang TV production at ang pagbebenta ng produkto ng mga potential sponsors.

Ibig sabihin, basic sa mga ito na kilala at sikat ang mga boxers na posible nilang suportahan dahil hindi nga naman magandang business ang buhusan mo ng pera ang isang boxer, kahit na world champion na yan, kung iilan lamang ang nakakakilala sa kanila.

Less awareness sa mga boxers, less exposure ang makukuha ng mga TV at advertisers.

Kaya malaking bagay noon kay Pacquiao na may “Blow By Blow” dahil ang teenager pa lamang na Pacquiao noon ay todong exposure na ang kaniyang nakukuha.

Kungdi ako nagkakamali, halos lahat ng laban ni Pacquiao ay napanood sa television, kaya ganoon na lamang ang following ni Pacquiao nang una itong lumaban sa world championship

Para malaman ng mga promoters kung gaano ka-epektibo ang TV exposure sa kanilang mga boxers, ikumpara nyo na lang si unbeaten Mark “Magnifico” Magsayo, na hindi pa napapalaban sa world crown, kay Tepora na isang WBA world titleholder.

Sina Magsayo at Tepora ay parehong naka-base sa Cebu at kung sila ay maglalakad sa SM Cebu, tiyak ko na si Magsayo ang pagkakaguluhan imbes na si Tepora na isa nang world champion.

Suggestion ko lang, kesa gastusan ninyo ang mga sobrang mahal na regional title belts na nagpapataw ng sanction fees, ibuhos niyo na lang sa TV production na sa aking estimate ay mas mahal lamang ng bahagya kumpara sa gagastusin sa isang regional title fight.

Kesa kumuha din ng mga boxers from Thailand o Indonesia na isa o dalawang rounds lamang ay tulog na, mag-promote na lamang ng All-Filipino title fight o mag-promote ng GAB-sanctioned Philippine title fight o Philippine Boxing Federation championships.

At an average, $5,000 ang kakailanganin para magdala ng mga walang kwentang Thai o Indon sa Pilipinas, pero sa halagang Php50,000.00, makakakuha ka na ng de-kalidad na Filipino boxer na magbibigay naman ng magandang aksyon sa boxer na alaga ng isang manager/promoter.

 

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment