KAHIT TALO, GOLDEN TROPHY NAIUWI NI DONAIRE

NABIGO man, nakuha naman ni Filipino pride Nonito Donaire Jr. ang respeto ng tumalo sa kanyang si Japanese Naoya Inoue nang ipinahiram nito ang napanalunang Muhammad Ali trophy bilang pagtupad sa pangako ng una sa kanyang dalawang anak na lalaki.

Napanatili ni Inoue ang kanyang IBF at Ring Magazine Bantamweight Championships at inangkin ang WBA (Super) Bantamweight Championship matapos ang 12 rounds unanimous win kontra Donaire, 116-111, 114-113, 117-109, Huwebes ng gabi sa Japan.

Sa kanyang Facebook post ay ipinahayag ni Donaire ang pagpayag ni Inoue at ng kampo nito na ipahiram sa kanya ang Muhammad Ali trophy matapos ang kanilang laban.

“I came to Japan to take the Muhammad Ali trophy. I promised my sons they would see it in the morning,” sabi ni Donaire sa kanyang Facebook post.  “And with tears in my eyes, I humbly asked Inoue to borrow it for a night, not for me but for my [world.]”

Ayon kay Donaire, gusto niyang magsilbing aral ito para sa kanyang mga anak. “It’ll pain them to see my face. They’ll kiss my wounds. They’ll see a trophy we don’t get to take home and understand what it means to want to train harder.”

Pinasalamantan niya rin ang lahat ng mga tumulong at sumuporta sa kanya, at maging ang haters niya.

“Haters said I was out in 1 round but we showed em our heart, our determination,” pagmamalaki ni Donaire.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment