IKA-3 PANALO KINUBRA NG GINEBRA

SOPRESANG naglaro ang injured na si Raymond Almazan ng Meralco ngunit hindi ang naging resulta ng Game 4 na walang hirap na kinolekta ng Barangay Ginebra, 94-72, Miyerkoles ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Lamang na ngayon ng dalawang laro ang Gin Kings, 3-1, at nangangailangan na lang isang panalo upang muling makuha ang PBA Governors’ Cup title.

“Obviously, Raymond Almazan’s injury changed the complexion of the series. He showed a lot of courage playing but we all know he’s not playing 100 percent,” sabi ni Ginebra coach Tim Cone patungkol sa Meralco big man.

Nagtamo ng lateral meniscal tear sa kaliwang tuhod si Almazan ilang minuto pa lang sa Game 3 kaya’t may mga nag-akalang hindi siya maglalaro sa Game 4.

“I thought we were really methodical tonight in breaking them down on the offensive side and we did a great job against Durham. We held him to eight points in the first half and that’s amazing.”

Tinanghal na Best Import of the conference si Allen Durham bago magsimula ang ika-apat na pagtutuos nila sa finals ni Justin Brownlee, na pinangunahan ang Gin Kings sa kanyang 27 puntos, walong rebounds at walong assists, habang nagambag si Stanley Pringle ng 21 points at seven rebounds.

Nagtala naman si Durham ng 21 points at 27 rebounds sa kabila ng 9-of-23 field goals niya kasama ang anim na turnovers.  (EBG)

Related posts

Leave a Comment