IKA-2 GINTO KINOLEKTA NI WONG

(NI LOUIS AQUINO)

KINOLEKTA ni Pinay wushu athlete Agatha Wong ang pangalawa niyang gintong medalya sa women’s taijijian event sa ikatlong araw ng 30th Southeast Asian Games kahapon.

Nauna nang naka-ginto si Wong sa taijiquan event noong Linggo.

Ayon sa 21-anyos na si Wong, wala siyang kahit na anong expectations bago magsimula ang biennial meet.

Ito ay sa kabila ng katotohanang ang gold medallist sa nakaraang women’s taijijian Asian Games na si Lindswell Kwok ng Indonesia ay nagretiro na. Si Wong ang nakakuha ng bronze sa nasabing event.

“Sa wushu kasi, you’re not always gonna be consistent about your world rankings or your regional rankings,” ani Wong. “Every year, we have to really train hard just to retain ‘yung mga kailangan naming level for this year.”

Nanalo rin ng ginto si Wong sa  taijiquan sa 2017 SEAG sa Kuala Lumpur, at silver sa taijijian. Sa kabila nito, hindi umano niya inasahan na mananalo sa taijiquan at taijijian ngayong 30th SEAG.

Samantala, nakulangan ang Pinay wushu athlete sa kanyang performance, bagama’t aminadong masaya na nakuha niya ang ikalawa niyang ginto.

“For me, parang hindi ko na-meet ‘yung expectations ko sa form. But results-wise, I’m really happy.”

Pangako pa niya, “I’m going to continue to do my best, even after the SEA Games.”

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment