HERO’S WELCOME KAY CASIMERO

(NI DENNIS IÑIGO)

HABANG nakatutok ang pansin ng sambayanan sa paghataw ng mga atletang Pinoy sa 30th Southeast Asian Games, tahimik na dumating sa bansa mula sa matagumpay na kampanya sa Birmingham, England si John Riel ‘Quadro Alas’ Casimero,  ang bagong World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion.

Sa pangunguna nina Chair Abraham ‘Baham’ Mitra, at Commissioners Mar Masanguid at Ed Trinidad ng Games and Amusement Board (GAB),  ginawaran si Casimero ng ‘hero’s welcome’ kahapon kasama ang mga empleyado at tagasuporta sa GAB office sa Makati City.

Naging impresibo ang panalo ni Casimero via third round technical knockout laban sa pamosong si Zolani Tete ng South Africa noong Linggo (Lunes sa Manila) sa Arena Birmingham sa England.

Itinigil ng referee ang laban,  may 2:14 pa ang nalalabi sa orasan,  at idineklarang bagong WBO bantamweight champ si Casimero.

Napahanay siya ngayon sa listahan ng mga Pinoy na nakapagwagi ng world title sa tatlong weight division– IBF World Light Flyweight, IBF World Flyweight, at WBO Bantamweight.

Ikinalugod naman ni Casimero ang ibinibigay na suporta at pagkalinga ng GAB sa mga Pinoy fighter, higit sa mga nagsisimula pa lamang magkaroon ng pangalan.

Ayon kay Mitra, nakikipag-usap na ang kampo ni Casimero para sa posibleng ‘unification fight’ kay Naoya ‘Monster’ Inoue ng Japan lalo’t naipahayag na rin ni WBO President Francisco ‘Paco’ Valcarcel ang pagnanais na maisagawa ang superfights sa world body.

Related posts

Leave a Comment