HEAT’S RICHARDSON NALAGASAN NG $25K DAHIL SA PAGHAGIS NG SAPATOS

Richardson

PINAGMULTA ng $25,000 si Miami Heat Josh Richardson dahil sa paghahagis ng sapatos sa pagkatalo ng kanyang koponan sa Los Angeles Lakers, 113-97, noong November 18.

Ipinabatid sa media ni Kiki VanDeweghe, NBA executive vice president for basketball operations, ang naging desisyon nila kaugnay sa hindi magandang inasal ng naturang manlalaro.

Halos kalagitnaan ng fourth quarter nang mag-dunk si Richardson at i-contest ito ni Hart. Pagbagsak sa sahig ay halos natanggal ang kaliwang sapatos ng una at tuluyan niya itong hinubad at ipinakita sa referee na si Kevin Scott.

Hindi tinawagan ng foul si Hart dahilan para lalong mainis si Richardson at kasunod nito ay natawagan siya ng fifth personal foul hanggang itapon ang sapatos sa score’s table.

Lalo pang nag-alab ang galit nito nang lumapit at himukin siya ng kanyang coach na si Erik Spoelstra na bumalik sa bench kaya itinapon pa sa mas malayo ang kanyang sapatos, dahilan para tuluyan siyang ma-eject sa laro. Ilang sandali pa ay tinawagan din ng technical si Spoelstra.

“That is probably where the source of the major frustration came from,” ani Spoelstra na nanindigan na na-foul si Richardson ni Hart.

Pero aminado rin ang Heat coach na hindi tama ang inasal ng kanyang manlalaro sa bandang huli. “The response after going to the bench, that is not acceptable.”

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment