GIBBONS MAS PABOR SA CASIMERO VS. INOUE BOUT

(NI VT ROMANO)

MAS may kakayahan si newly-crowned WBO bantamweight champion Johnriel Casimero na talunin si Japanese world champion Naoya Inoue kumpara kay Nonito Donaire Jr.

Ito ang malaking paniniwala ni Sean Gibbons, Manny Pacquiao International Promotion president, sakaling magkaharap sina Casimero at Inoue para sa unification bout.

“I believe that Casimero at his age, his experience, his power, his overall boxing skills, he’s what Nonito Donaire was seven years ago,” komento ni Gibbons. “I really believe that he has the style and the power to take Inoue.”

“Nonito Donaire showed a lot of flaws in Inoue. Inoue is a great offensive fighter, but defensively, he has a lot of holes,” dagdag pa ni Gibbons kahapon nang maging panauhin sa PSA Forum kasama si Casimero sa Amelie Hotel-Manila.

Ayon pa kay Gibbons, sakaling matuloy ang Inoue-Casimero, malamang na sa Las Vegas o kaya’y sa Los Angeles gawin ang sagupaan, dahil kalalagda lang promotional contract ng Japanese champion kay Top Rank promoter Bob Arum.

Sinabi ni Gibbons na malamang ay pababanguhin ni Arum ang pangalan ng 26-anyos na si ‘Monster’ Inoue sa US market.

“I believe they want to introduce Inoue to the U.S. market that was the idea of signing with Bob Arum with top Rank. So I see the fight probably being in Las Vegas or Los Angeles,” paliwanag ni Gibbons.

Kung magkakasundo, posibleng sa Abril 2020 maganap ang Casimero-Inoue, pero depende pa rin aniya sa kundisyon ng Japanese boxer, na nagpapagaling pa ng fracture sa kanang eye socket nito na tinamo sa laban okay Donaire noong Nobyembre.

Si Inoue, may record na 19-0 (16 KOs) ay kampeon ng IBF at WBA 118-lb division, tinalo niya si Donaire via unanimous decision sa finals ng World Boxing Super Series.

Gustung-gusto na ring makasagupa ni Casimero si Inoue upang aniya’y magkaalaman kung sino talaga ang mas mahusay na boksingero.

“Gusto ko ng lumaban kay Inoue para magka-alaman na kung sino talaga ang magaling sa amin,” deklara ni Casimero sa Forum na suportado ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). “Gustung-gusto ko na apat na belt yung kunin ko,” dagdag ni Casimero, na tinanghal na WBO champion matapos talunin via 3rd round knockout si Zolani Tete noong Nobyembre 30 sa South Africa.

Related posts

Leave a Comment