EX-CAVs PLAYER PINALIT KAY WELLS

AYAW nang magbakasakali muli ni San Miguel Beer Leo Austria at mag-All-Filipino kapag hinarap nila ang Rain or Shine sa krusyal na laro sa Petron Special road game sa Sabado sa Lapu-lapu City kaya’t kinuha ng koponan bilang reinforcement si ex-Cleveland Cavalier player John Holland bilang kapalit ng injured na si Dez Wells.

“Since sinabi ni Wells he can’t play on Saturday, we got a backup. We can’t afford na walang import for the second time,” paliwanag ni Austria.

Napilitang lumaro nang walang reinforcement ang Beermen kontra Blackwater Elite noong Miyerkoles, mabuti’t sinuwerte at nanalo via overtime, 99-96.

Ngunit ayaw nang sumugal muli ni Austria kontra E-Painters kaya’t kinuha nila si Holland bilang pansamantalang kapalit ng nasa ‘injured list’ na si Wells.

“Very crucial ang game namin on Saturday. If he (Wells) cannot play, so there must be somebody who could replace him. The good thing is, this win can give us a lot of option eh, dahil kung natalo kami mahirap eh. But regarding Saturday’s game, may import or wala, makakalaro o hindi, we have to play at our best dahil we have a chance to make it (to the Top 4),” ayon kay Austria.

Dagdag ng SMB coach, bagama’t nagpapraktis na muli si Wells, hindi pa ito 100% na physcially ready. “He’s practicing well nung Monday, tsina-challenge niya every player na matapat sa kanya expecially on penetration but we’re surprised yesterday he skipped practice because something’s wrong with his foot.”

Samantala, bagama’t maganda ang inilaro ni five-time MVP na si June Mar Fajardo kontra Elite kung saan nagposte siya ng 30 points at 13 rebounds, aminado siyang kailangang mag-level up ng Beermen kung gusto nilang makuha ang inaasam na grandslam feat.

“Kailangan namin manalo kasi nga sunod-sunod na talo namin, kailangan namin makahabol sa standings, sa top 4 para 2 to beat advantage,” sabi ni Fajardo.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment