DIDAL BACK-TO-BACK CHAMP

(NI ANN ENCARNACION)

HINAKOT ni Margielyn Didal ang dalawang nakatayang korona sa magkahiwalay na sinalihang torneo sa The Netherlands at California bilang pagpapakita ng kanyang kahandaan sa pagsabak sa 30th Southeast Asian Games at mapasama sa 2020 Tokyo Olympics Qualifying Tournament.

Muling ipinakita ni Didal ang husay sa skateboarding na nagbigay sa kanya ng gintong medalya sa 18th Asian Games at 2019 Exposure All Women’s Skateboarding Championships nang pagreynahan ang Ladies Day Skate competition sa The Berrics na ginanap sa The Netherlands, at 2019 Exposure All Women’s Skateboarding Championships sa Huntington Beach, California, USA.

Ang Ladies Day Skate competition at The Berrics ang isa sa pinakapopular na skateboarding hub sa mundo na nagsagawa ng dalawang events sa isang araw.

Ang kambal na panalo ay nagpatatag sa hangarin ni Didal at kinabibilangang Skateboarding and Roller Sports Association in the Philippines na makadagdag ng medalya sa darating na 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Ang mas magandang balita, makakatulong ang dalawang bagong napanalunang titulo sa kanyang kampanya para sa Olympic ranking competition ngayong Nobyembre 10 sa Rio de Janeiro, Brazil bago siya bumalik sa bansa para sa SEAG na gaganapin sa bagong gawang Skate Park sa Tagaytay.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment