DIDAL, AOM NG TOPS

Margielyn Didal-2

(NI DENNIS IÑIGO)

ITO na ang pinakamatamis na sandali para kay Asian Games champion Margielyn Didal, napagwagian ang back-to-back titles sa Netherlands at California, USA tungo sa kanyang inaasam na mag-qualify sa Tokyo Olympics.

Sinorpresa ni Didal ang pinakamahuhusay na female park skaters sa mundo upang pamunuan ang first-ever Ladies Day Skate competition sa Berrics sa The Netherlands.

Kinumpleto ng 20-anyos na ipinagmamalaki ng Cebu City ang mga karangalan kung saan ay naidepensa nito ang kanyang korona sa 2019 Exposure All Women’s Skateboarding Championships na ginanap sa Huntington Beach, California, USA.

Ang back-to-back triumphs ang naging hagdan ni Didal upang mapasakamay ang “Athlete of the Month” honor para sa Nobyembre na nagkakaisang iginawad ng mga miyembro ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS).

Ito ang unang pagkakataon na ipibagkaloob ng TOPS ang napakahalagang rekognisyon kay Didal, ang pinakabagong organisasyon na kinabibilangan ng sports editors, reporters at photographers mula sa mga pangubahing tabloids sa Pilipinas.

“Like many other great Filipino athletes,  Margielyn made all of us proud to be Filipinos,” saad ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight.

“Her success serves as an inspiration to the Filipino youth who hope to make a difference in the wonderful world of sports,” sabi ni Andaya.

Kinunsidera din para sa monthly award ng TOPS sina basketball superstar Jack Danuelle Animam ng UAAP champion  National University at GM Rogelio Barcenilla,  Jr. , na pinamunuan ang “Battle of GMs” chess championship.

Ang mga nakalipas na TOPS monthly awardees ay sina Manny Pacquiao (January), Jasmin Mikaela Mojdeh (February), Natalie Uy (March), Obiena (April), June Mar Fajardo (May), ang Philippine Canoe Kayak and Dragon Boat Federation team (June), Obiena (July), Antonella Berthe Racasa (August)  Obiena (September) at Caloy Yulo (October).

Ang TOPS ang siya ring presentor ng “Usapang Sports”, ang weekly forum na ginaganap sa National Press Club at suportado ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks na may livestreaming mula sa Glitter Livestream. Samantala, si Didal at kapwa Pinay na si Christiana Meas ang maglalaban sa final round ng street skateboarding ngayon, (Huwebes).

Ito’y matapos talunin ni Didal sa semifinal round ang nakalabang si Nyimas Cinta ng Indonesia, habang dinispatsa naman ni Means ang Indonesian din na si Kyandra Susanto.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment