BROWNLEE SABIK NANG MAGKAMPEONG MULI

(NI DENNIS IÑIGO)

GAYA nang inaasahan, hindi na pinaporma ng Barangay Ginebra ang NorthPort at tinapos ito, 120-107, sa Game 4 ng kanilang best-of-five semifinal series Biyernes ng gabi.

At dahil wala nang PBA game sa Pasko, mahaba-haba ang magiging bakasyon ng Gin Kings dahil Enero 8 pa magsisimula ang 2019 Governor’s Cup finals.

Magkasunod na taon na pinagharian ng Kings ang season-ending conference noong 2016 at 2017, ngunit noong 2018 ay nasilat sila ng Magnolia nang talunin sila sa four games sa semifinals.

Kaya sobrang motivated ang resident import ng Ginebra na si Justin Brownlee na mabawi ang nawalang korona nila noong nakaraang taon.

“Super motivated. I wish we would’ve had that three-peat last year but unfortunately, we came up short,” sabi ni Brownlee, na malaki ang naitulong para makuha ng Gin Kings ang 2018 Commissioner’s Cup titile ngunit nabigong madepensahan ang kanilang Governors’ Cup throne ng nasabing taon.

“It feels good to be in the Finals, but this point we’re not satisfied. We wanna feel that greatest feeling. I’m just super proud of everybody, it just feels great and hopefully, we can get another one.”

Kitang-kita naman ang panggigigil  ni Brownlee na magkampeon muli sa kanyang triple-double sa halos buong conference.

Sa Game 4 ng Gin Kings kontra Batang Pier, bahagyang kinapos lang para maka-triple-double muli si Brownlee nang magposte ng 36 points, 19 rebounds, eigth assists, three steals, at two blocks.

At dahil may hangover pa sa muling pagpasok sa third conference finals ng crowd-favorite Ginebra, nag-aalala si Brownlee sa mahigit dalawang linggong bakasyon ng liga.

“It’s kinda tricky because you don’t wanna get out of shape too much. You wanna stay focused and locked in. It’s the Finals. I don’t think we’ve ever done this, having extended breaks in the semis and in the Finals,” aniya.

“We just wanna stay focused and try not to lose the mentality that we already got right now. Hopefully we don’t take too many days off,” dagdag pa ni Brownlee.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment