BRAVES SINILABAN NG ALAB

Pilipinas-Taipei-2

AGAD bumangon ang San Miguel Alab Pilipinas mula sa bangungot na talo sa Macau nang magwagi laban sa Taipei Fubon Braves, 101-96, sa ASEAN Basketball League, Martes sa Filoil Flying V Centre, San Juan.

Inakay sa panalo ng Fil-Am na si Jeremiah Gray ang Alab Pilipinas nang kumamada ng 10 sa kauuang 17 puntos niya sa fourth quarter at dinagdagan pa ito ng anim na assists at limang rebounds.

Halos isang minuto na lang ang nalalabi sa laro nang pumasok ang tres ni Gray para ilayo ng bahagya ang Alab, 99-94, at pagkatapos ay na-block pa ang tangkang tres ni OJ Mayo.

Sinelyuhan ni Khalif Wyatt ang panalo ng Alab nang maipasok ang dalawang freethrow  sa foul line, 8.9 segundo na lang ang nalalabi.

Dahil sa panalo ay nagimprub ang Alab sa 5-2 panalo-talong kartada upang masolo ang ikalawang puwesto.

Nagawa naman ni Sam Deguara na matapos ang game nang hindi napa-foul out at tumapos ng double-double 26 points at 14 rebounds, habang ang kasama nitong si World Import Nick King ay nagtala ng 22 points, anim na rebounds at limang assists.

“I just felt like the other night, we got to such a sluggish start and it really kind of set the tone for the rest of the game kinda playing catch up. We had a couple of miscues at the end of the game, but I thought tonight, our energy was much better,” sabi ni coach Jimmy Alapag patungkol sa 98-93 talo nila sa Macau Wolf Warriors noong Linggo.

Sunod na makakalaban ng Alab ang Singapore Slingers sa darating na Linggo.

Nagposte ng 35 points, siyam na assists, at anim na rebounds para sa Taipei Fubon ang eight-year NBA veteran na si Mayo, na nakapaglaro na sa Memphis, Dallas, at Milwaukee.

Box Scores:

SAN MIGUEL ALAB PILIPINAS 101 — Deguara 26, King 22, Wyatt 21, Gray 17, Brickman 5, Caracut 5, Domingo 2, Vigil 2, Ganuelas-Rosser 1, Heading 0.

TAIPEI FUBON BRAVES 96 — Mayo 35, Garcia 27, Esho 13, K. Lin 8, J. Lin 8, Hung 3, M. Lin 2, Tseng 0, Kuo 0, Weir Chern 0, C. Lin 0, Hung Hsing 0.

Quarters: 20-28, 44-44, 67-68, 101-96. (PHOTO by MJRomero)

Related posts

Leave a Comment