BATTILER BABAWI SA GAME 3

NA-FRUSTRATE si NCAA Season 95 MVP Calvin Oftana ng San Beda sa Game 1 performance niya kaya’t bumawi siya sa Game 2 at naitabla ang serye kontra Letran at nakapwersa ng deciding Game 3 sa Martes sa Mall of Asia Arena.

Umiskor ang 6-4 Dumaguete native ng 17 points, kabilang ang go-ahead three-point play sa nalalabing 19.1 seconds na naging susi sa 79-76 panalo ng San Beda noong Biyernes.

“Nung natanggap ko yung ball, sabi ko, ‘Lord, ikaw na bahala rito.’ Yun talaga nasa isip ko. Luckily naipasok ko, foul-counted, at syempre kailangan yung free throw kaya lumamang kami ng isa.”

May pag-asa pa sanang masilat ng Letran ang San Beda ngunit nabigo si Bonbon Batiller na maisyut ang bola.

“Isang shot na lang, isang lay-up ko na lang, (expletive) champion na. Para sa akin ako ang nagpatalo sa game,” naiiyak na sabi ni Batiller matapos ang makapigil-hiningang laro ng dalawang teams.

“Nahihiya ako sa teammates ko kasi, isang shot na lang, isang layup ko na lang, kung na-convert ko yun hindi ganun ang takbo ng game. Pero (expletive) nadulas talaga,” ayon sa transferee mula sa University of the East na si Batiller.

Katulad ni Oftana matapos ang Game 1 loss nila sa Letran, nangako ang 25-anyos na General Santos City native na babawi sa do-or-die sa Game 3.

“Yun na nga sinasabi ng mga boss namin e, sabi ng mga boss and mga coaches, hindi pa tapos at may time pa para bumawi sa Game 3. Positive lang,” ani Batiller.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment